Cristy Fermin, Kinumpara ang Mga Concerts nina Moira Dela Torre at Toni Gonzaga!

Lunes, Pebrero 6, 2023

/ by Lovely


Kamakailan ay kinumpara ni Cristy Fermin ang concert ni Moira dela Torre sa Araneta Coliseum sa anniversary concert ni Toni Gonzaga sa parehong lugar.

Sa latest episode ng kanyang programang Cristy Ferminute, tinalakay nila ng kanyang mga kasamahan ang tagumpay ng concert ni Moira sa Araneta Coliseum. Sinabi pa ni Cristy Fermin na 'pinakain ng alikabok ni Moira' ang concert ng Most Powerful Celebrity kuno na si Toni Gonzaga.

Ayon kay Cristy, sold out ang katatapos na concert ni Moira, filled to the rafters umano ang Araneta.

"Ang totoo, ang totoong-totoo ay pinakain po ng alikabok ni Moira dela Torre si Toni Gonzaga sa pagso-show niya sa Araneta Coliseum. Punong-puno, Romel, filled to the rafters ika nga," saad ni Nay Cristy.

Maging ang pamimili ng ticket ni Mommy Pinty para sa concert ni Toni ay binalikan din ng kolumnista.

"Dito po, hindi natin maiiwasan ang pagkukumpara dahil totoo naman po kasi na sold out po, ito ang tunay na sold out na masasabi. Hindi pinamigay, hindi pinakyaw para ipamigay, ito po ay binili ng ating mga kababayan sa kagustuhan nilang masaksihan ang concert talaga ni Moira dela Torre."

Maging ang paamumuna ng ilang netizens sa performance ni Toni Gonzaga sa sariling concert ay binalikan rin ni Manay Cristy Fermin.

"Sa nakaraan niyang concert, napakaraming pumuna na mismong pinasikat na niyang kanta, ay hindi niya naawit nang maayos at sintunado siya. At si Moira, sabihin nang nakakaantok, sa ikatlong kanta palang ay matutulog ka na, mahihimbing ka na, hindi po. Ayan po o, punong punong punong po ang Araneta Coliseum."

"Samantalang yung kay Toni, alam natin ang totoo. Dalawang araw na bokya, walang bumili diba? Dalawang araw yun, tas bigla na lang nagulat ang Araneta, biglang may pumapakyaw ng daan-daang ticket. Nako, magpakatotoo po tayo," pagkukumpara pa nito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo