Coco Martin May Inamin!

Huwebes, Pebrero 16, 2023

/ by Jerome


Kinilig na husto ang actor-director na si Coco Martin ng makita niya ang poster ng dating serye nila ni Julia Montes na Walang Hanggan, dito nagsimula ang lahat ito ang sinabi ng actor director ng tanungin siya nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros kung papano niya ilalarawan ng bumisita ang hari ng primetime sa Magandang Buhay. 

Dagdag pa ni Coco na isa daw ito sa tumatak at minahal niya na teleserye kasi daw halos lahat na daw ng mga mahuhusay na artista ay nakasama niya sa nasabing serye, at lalong-lalo na sila Tita Susan na dito daw sila unang nagkatrabaho. 

Kaya hinding hindi niya daw ito makakalimutan isa pa ay dito niya din daw unang naging leading lady si Julia Montes. Kinikilig pa ang aktor habang ipinapahayag ito.

Samantala ito naman daw ang kauna-unahang pagkakataon na bumisita ang actor director sa Magandang Buhay, kung saan ay sinariwa niya ang kanyang mga dating nagawang serye, at na ikuwento din niya dito ang tungkol sa buhay niya bago daw siya pumasok sa mundo ng showbiz. 

Isa naman sa mga naging rebelasyon niya sa pagguest ay muntik na din daw siya ma launch kasabay nila Heart Evangelista at Angel Locsin bilang Batch 9 ng Star Magic. Subalit dahil sa mas priority ni Coco ang kanyang pag-aaral, ay napagpasyahan niya munang ihinto ito at tapusin muna ang kanyang pag-aaral. 

Samantala mukhang nasa kapalaran na talaga ni Coco ang pagpasok sa showbiz dahil siya ngayon ang tinaguriang primetime king sa bagong henirasyon ngayon. 


  

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo