Buong Reaksyon Ni Kylie Padilla Sa Jowa Reveal Ni Aljur Abrenica at AJ Raval Sa Social Media!

Huwebes, Pebrero 16, 2023

/ by Lovely


Naglabas na ng kanyang saloobin ang aktres na si Kylie Padilla hinggil sa isinagawang jowa reveal nina AJ Raval at estranged husband na si Aljur Abrenica.

Matatandaan na noong Araw ng Mga Puso inamin na nina AJ Raval at Aljur Abrenica ang kanilang relasyon.

Kaya naman sa naganap na media con para sa upcoming teleseryeng mga Lihim ni Urduja kung saan kasama sa cast si Kylie, naitanong sa aktres kung ano ang kanyang reaksyon sa pag-amin ng dalawa.

Marami ang nagulat sa ipinahayag ni Kylie Padilla na reaksyon at komento sa relasyon nina Aljur at AJ Raval.

Ayon kay Kylie, masaya siya para sa kanilang lahat dahil natagpuan na ng bawat isa ang kaligayahan.

"I am happy for everybody and everybody's happy, and that what's important."

Makikita naman sa mukha ni Kylie na tila wala lang sa kanya ang ginawang pag-amin ng dalawa dahil nakangiti ito at tumatawa pa sa ilang mga katanungan ng media. Tinawanan pa nga ng aktres ang mga sinasabing si AJ Raval ay kabit na ni Aljur noon pa mang hindi pa sila ng naghihiwalay ni Aljur.

Samantala, nilinaw naman ni Kylie na maayos ang naging hiwalayan nila ni Aljur at masaya na sila ngayon sa kani-kanilang buhay. Maayos rin ang samahan nila ng kapatid ni Aljur na si Vin Abrenica na makakasama niya sa teleseryeng 'Mga Lihim ni Urduja'.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo