Julie Anne San Jose, May Pasabog Sa Araw Ng Mga Puso

Miyerkules, Pebrero 15, 2023

/ by Jerome

 

Tulad nga ng inaasahan ay magkasama nga kahapon araw ng mga puso sina Julie Anne San Jose at boyfriend nitong si Rayver Cruz, hindi nga lang silang dalawa lang ang magkadate kundi kasama din nila ang kani-kanilang pamilya. 

Hindi nga daw ito ang typical na Valentine's date na kung saan ay silang dalawa lang magkasama. Parang isa nga itong family affair dahil magkakasama silang lahat. 

Dahil dito ay masayang masaya nga ang kanilang mga tagahanga dahil magkasama ang dalawa sa Valentines day at kasama pa ang kanilang pamilya. Nararapat nga lang daw sa dalawa ang bakasyon kaya saad ng mga tagahanga nila na mag-enjoy lang daw sila. 

Samantala ginulat naman ni Julie Anne ang kanyang mga tagahanga matapos na mag post ang actress sa kanyang Instagram accout ng mga larawan na kung saan ay naka two piece bikini lang ang dalaga. Caption niya dito ay "sweet escape" 

Agad naman itong umani ng mga papuri ang actress mula sa kanyang mga tagahanga, may nagsabi pa na ang sexy nga daw ng actress at panigurado daw na mas lalong mai-inlove sa kanya ang boyfriend nito. 


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo