Cesar Montano Nagbigay Din Ng Payo sa Dating Asawa na si Sunshine Cruz!

Lunes, Pebrero 13, 2023

/ by Lovely


Naglabas din ng kanyang payo ang aktor na si Cesar Montano para sa kanyang dating asawa na si Sunshine Cruz hinggil sa relasyon nito at nang ex-boyfriend na si Macky Mathay.

Matatandaan na sa panayam ni Sunshine sa programa ni Boy Abunda sa GMA7 na Fast Talk With Boy Abunda, pinayuhan nito si Cesar na magtino na sa kanyang relasyon sa bagong kinakasama nito.

"Sabi ko nga kay Cesar, 'Magpakabait ka na diyan kay Kath. Napakaganda, napakabait, napakasuwerte mo. Mag-behave ka.' Kung hindi, makakaaway niya kaming lahat ng mga anak ko," pahayag noon ni Sunshine.

Samantala, sa presscon ng pelikulang Martyr or Murderer, ipinahayag naman ni Cesar Montano ang kanyang payo pa ra naman kay Sunshine. Ayon sa kanya, sana si Macky na talaga ang para kay Sunsgine dahil mabait ito at gwapo pa.

"Oo nga, e, mayroon siyang advice. Advice ko rin sa kanya, sana si Macky na. Ang bait-bait nung tao, ang guwapo-guwapo pa. Na-meet ko, e. Sana sila na," pagbibigay payo ni Cesar.

Gayunpaman nilinaw naman ni Cesar na wala sa intensyon niya na pangunahan ang dating asawa dahil may sarili naman umano itong pagpapasya. Tanging hiling lamang niya na maging maayos ang lahat sa relasyon nila ni Macky.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo