Kris Aquino Birthday Tribute Video! Grabe Effort Ni Vice Gov. Mark Leviste!

Huwebes, Pebrero 16, 2023

/ by Lovely


Hinangaan ngayon ng maraming mga netizens ang pag-eeffort ng Vice Governor na si Mark Leviste para sa kanyang 'My Love' na si Kris Aquino na kasalukuyang nagpapagaling sa Amerika.

Bukod sa pag punta ng personal para makasama si Kris sa Amerika, nagpagawa pa siya ng isang birthday tribute video sa Nice Print Photography para sa kaarawan ni Kris.

Sa nasabing video ipinahayag ni Vice Governor kung bakit hanggang ngayon ay si Kris pa rin ang siyang maituturing Reyna. Ipinahayag pa niya kung paano si Kris bilang, katrabaho, bilang kaibigan, at bilang isang ina.

Makikita pa sa nasabing video kung gaano ka maasikasong anak si Kris, mapagbigay na kapatid at mapagmahal na ina.

Kabilang rin sa tribute video ni Mark ang mga birthday dedication mula sa malalapit na kaibigan ni Kris.

Naging emosyunal pa ang kanyang ate sa pagpapahayag ng mensahe para sa kanilang bunso. Ayon kay Ballsy, namimiss na niya ang kakulitan nito at kung gaano sila nito pinapasaya.

Hiling naman ng matalik na kaibigan ni Kris na si Tito Boy Abunda ang tuluyang paggaling ng kaibigan.

Maging ang dalawang anak ni Kris ay nagbigay rin ng mensahe para sa kanilang ina. Ipinahayag ng dalawa ang labis na pagmamahal para sa ina.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo