Mary Joy Santiago Lalo Pang Magpapa-Sexy!

Huwebes, Enero 12, 2023

/ by Lovely


Mula nang masangkot at madawit sa hiwalayan ng celebrity couple na sina Elisse Joson at Mccoy De Leon, sinusundan na ng ilang mga netizens ang social media updates ng itunuturong third party ng hiwalayan na si Mary Joy Santiago.

Bagama't nagsalita na si Mccoy De Leon at sinabing walang katotohanan ang isyu hindi pa rin naniniwala ang karamihan. Lalo pa't kumalat noon ang isang screenshot na inamin mismo ni Mary Joy ang relasyon nilang dalawa.

May naglabasan ring mga larawan nina Mary Joy at Mccoy De Leon, kung saan makikitang napaka sweet nilang dalawa.

Sa video makikita si Mary Joy na nakangiti sa kamera, ipinakita nito ang kanyang physique update at ipinahayag na magda-diet pa siya soon.

Marami naman ang pumuri kay Mary Joy at sinabing inaabangan nila ang pagpapalabas pelikula nito matapos pumirma ng kontrata sa Viva Artist.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo