Zeinab Harake, Muntik Nang Burahin Ang Kanyang Youtube Channel Dahil sa mga Pinagdaanan!

Lunes, Enero 9, 2023

/ by Lovely


Binalikan ng social media personality at vlogger na si Zeinab Harake ang kanyang mga pinagdadaanan sa taong 2022 sa kanyang latest Youtube vlog na pinamagatan niya TNX 2022 na inupload niya noong January 4, 2023.

Aminado ang vlogger na parang naging roller coaster sa hirap ang kaniyang mga pinagdaanan noong nakaraang taon 2022 dahil sa kaliwa’t kanang isyu na hinarap at isa na rito ay ang kontrobersiyang hiwalayan nila ng partner na si Skusta Clee.

Kuwento pa niya, dumating umano siya sa puntong gusto na niyang i-delete ang kaniyang account dahil sa sobrang toxic nito. Matatandaang sinimulan ni Zeinab ang kaniyang YouTube channel noong 2019 at ibinahagi ang mga pangyayari sa kaniyang buhay sa pamamagitan ng mga video blog. 

Nagawa niyang ipagpatuloy ang paggawa ng content dahil sa kaniyang fans na mas kilalang ‘Zebbies’ na simula pa noong 2019 hanggang noong 2022 ay walang sawang sumuporta sa kabila ng kaliwa’t kanang isyung ipinukol sa kaniya.

“Yung mga nag me-mention sa’kin sa Instagram na ikaw po yung nagtatanggal ng anxiety ko, wala ka pa po bang videos para sumaya na ako. So, yun talaga yung pinagkapitan ko,” pag-amin ni Zeinab.

Kaya naman, labis ang pasasalamat ni Zeinab Harake sa kanyang mga followers na patuloy sa pagsusuporta sa kanyang mga content.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo