Xian Gaza, Nagbigay ng Payo sa Mga Kabataan! Huwag Makipaglive-in sa Murang Edad!

Lunes, Enero 9, 2023

/ by Lovely


Nagbigay ng unsolicited advice ang online personality na si Xian Gaza sa mga kabataan na huwag na huwag umano makipag-live in dahil wala raw itong magandang maidudulot sa isipan, pagkatao at sa kanilang buong buhay.

“Kung lumabas ito sa news feed mo at isa kang Generation Z, gusto ko lang sabihin sayo na kahit anong mangyari eh huwag na huwag ka makikipag-live in sa murang edad.  Wala itong magandang maidudulot sa iyong isipan at pagkatao. It will do more harm than good.

 Kahit pa magkaanak kayo, huwag! May tamang panahon para diyan. Take it from a guy na nakipag-live in sa edad na 19,” pahayag ni Xian Gaza sa kanyang Facebook account.

Dagdag pa ni Xian dapat ay hintayin ang tamang edad kung saan matured ng mag-isip bago pumasok sa pakikipag-live in.

Matatandaang nabanggit ni Xian sa isang panayam ang tila panggagamit niya sa kanyang ex-partner sa kanya noon. Subalit aminado naman siyang minahal niya rin ito.

“Let’s be honest, sobra to a point na mahal ko siya at the same time kailangan ko siya kasi during that time walang-wala talaga ako.” 

Ayon sa pagkukwento ni Xian tumagal ang kanilang relasyon ng 11 buwan, simula July 2018 hanggang June 2019. 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo