Kyle Echarri Nagbigay ng Emosyunal na Mensahe para sa Kanyang Kapatid!

Lunes, Enero 9, 2023

/ by Lovely


Isang nakakaantig na mensahe ang ibinahagi ng aktor na si Kyle Echarri para sa kanyang nakababatang kapatid na si Bella sa ika-12 kaarawan nito.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account inihayag ni Kyle ang mensahe para sa kanyang kapatid na kasalukuyang nakikipaglaban sa isang karamdaman.

“Happy birthday my princess! Manong loves you more than anything in the world I hope u always know that. You’re my little warrior and and I’m proud to say my sister is the strongest little girl I know,” pahayag Kyle.

“May not always be near but your Manong is always by your side in everything you do. I love you princess more than anything/anyone in the world, and it will always stay that way,” pagpapaalala ni Kyle kay Bella.

Matatandaang noong June 2022, ibinahagi ng aktor sa kanyang mga tagahanga ang pinagdadaanan ng kanilang pamilya, ang pagkakaroon ng karamdaman ni Bella.

Dahil ayaw nitong mag-alala ang kaniyang kuya, mahigit isang buwan munang hiniling ni Bella na itinago ang sakit nito kay Kyle, bagay na ikinadurong ng aktor noon.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo