Matet De Leon, Hindi Kinayang Dedmahin Ang Inang si Nora Aunor!

Lunes, Enero 9, 2023

/ by Lovely


Nagbigay ng update ang aktres na si Matet De Leon sa kanyang mga followers tungkol sa relasyon nila ng kanyang ina, ang beteranong aktres na si Nora Aunor, sa kanyang pinakabagong YouTube live noong Sabado, January 7.

Ibinunyag ni Matet na nagkasundo na sila ng kanyang ina kasunod ng kontrobersiyang bumalot sa kanilang relasyon.

Ibinahagi ni Matet De Leon na si Nora Aunor mismo ang unang nagreach out sa kanya upang magkaayos na sila.

“Nag chat sa akin si mommy na sana maging maayos na, maging okay na kami, na sana kasi bagong taon kaya kalimutan na natin yung mga nangyari nitong nakaraan,” pagbabahagi ni Matet.

Samantala, inamin din naman ni Matet na noong magpapasko ay balak na niyang kausapin ang kanyang ina upang magkaayos na sila.

“Bago mag-Christmas, I wanted to send mommy a message na maayos na pero nauna si mommy na magchat sa akin. I think that’s God’s way para maging maayos ang lahat,” aniya.

Dagdag pa niya, kung ang Diyos nga handang magpatawad siya pa kaya. Inamin rin ni Matet na hindi niya kayang panindigan ang naunang pahayag na hindi na niya kakausapin ang kanyang ina.

"Who am I not to say yes to that and (not) to agree with her? Ang Diyos nga nagpapatawad. Ang mali ko lang doon, sinabi ko na hindi ko na siya kakausapin. Hindi ko pala kaya.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo