Xian Gaza Muling Kinuntra ng Dating Partner na si Irish Tan!

Martes, Enero 10, 2023

/ by Lovely


Kasunod ng pagbibigay ng payo ni Xian Gaza para sa mga kabataan ngayon na huwag munang makipag live in sa murang edad. Agad ding nagbigay ng taliwas na pahayag ang dating partner ni Xian Gaza na si Irish Tan.

Ayon kay Irish, okay lang na makipag- live in ang mga kabataan ngayon as long as may pahintulot mula sa mga magulang.

Matatandaang sa Facebook post ni Xian Gaza ipinunto niya na walang mabuting maidudulot sa isipan at sa buong pagkatao ang pagkikipag live in ng maaga. Ipinahayag din ni Xian na may tamang panahon ang pakikipagsama o pakikipaglive in.

Samantala, para naman Irish okay lang ang pakikipagrelasyon at pakikipaglive in ng maaga as long as may pahintulot mula sa mga magulang.

“Kung lumabas to sa news feed mo at isa kang gen z gusto ko lang sabihin sainyo na okay lang makipag live in. Hindi ko sinasabi na tama mabuntis ng maaga at makipag live. As long na may pahintulot ng magulang or gabay ng nakakatanda ay okay lang makipag live in,” post ni Tan sa kaniyang Facebook post nitong January 10.

Inihayag din nito na isang blessing para sa isang babae ang maagang mabuntis.

“Mabuntis ng maaga? Blessing yan, tanggapin mo. May tamang panahon para jan? E napaaga yung nakatakda sayo, tanggapin mo bigay yan sayo ng lumalang satin. Blessing yan, hindi yan ibibigay sayo kung alam ng lumalang satin na hindi mo kaya,” dagdag pa nito.

Pagpupunto niya hindi nasusukat sa edad ang lawak ng pag-iisip at maturity ng isang tao. Ang mas mahalaga ay ang tamang gabay at pang unawa ng mga magulang sa mga naglilive in ng maaga.

“Hindi naman nasusukat sa edad ang lawak ng pag iisip natin at yung tinawag na maturity. Karamihan naman satin nakikipag live in din at nabubuntis. Napaaaga lang yung iba.

“Ang mahalaga, tamang gabay ng magulang, lawak ng pang unawa at higit sa lahat wag kang gagawa ng masama para sa salapi, wag mang scam, or mag nakaw.. from there giginhawa ang buhay mo at lalo ka pag papalain,” pagpapaliwanag pa niya.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo