Skusta Clee, Ipinahayag ang Pagiging Pogi Habang Hinahalikan ni Ava Mendez!

Martes, Enero 10, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon ang ibinahaging video clip ni Skusta Clee sa kanyang Instagram storie kung saan makikita ang sweet moments nila ng sexy actress na si Ava Mendez.

Makikita sa nasabing clip na hinahalikan ni Ava Mendez sa pisngi si Skusta Clee habang nagpo-pose naman ang huli sa kamera.

Nilagyan pa niya ng caption ang kanyang post na "pogi ko" habang nakatingin din si Ava sa camera habang nagbibigay ng nakakaakit na ngiti, at totally sultry look. 

Samantala, ibinahagi ni Ava Mendez ang ilang mga snaps kung saan makikita kung gaano sila ka sweet sa isa't-isa ni Skusta Clee.

Agad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens na sumusubaybay sa buhay pag-ibig ni Skusta Clee.

Matatandaang nasangkot sa isang kontrobersiya si Skusta Clee matapos ang napabalitang pagkalaglag ng pangalawang anak nila ni Zeinab at ang batuhan nila ng cryptic post sa isa't-isa matapos ang kanilang hiwalayan.

Bago pa kay Ava Mendez, na link si Skusta Clee sa isang Tiktoker na si Aira Mae Lipata na siyang tinuturong dahilan ng hiwalayan nila ng vlogger na si Zeinab Harake.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo