Ellen Adarna Ibinahagi Ang Natamong Snow Burn mula sa Vacation Nila sa Lapland!

Martes, Enero 10, 2023

/ by Lovely


Ibinahagi ni Ellen Adarna sa kanyang Instagram Stories ang snow burn o ice burn na natamo niya habang nagbabakasyon sila ng kanyang pamilya sa Lapland.

Ang lugar ay natatakpan ng snow, at ito rin tinuturing bilang ang homeland ni Santa Claus. 

Sa maikling clip  na ibinahagi ni Ellen, inamin niya na gusto niya ang malamig, gayunpaman, iba ang paso sa kanyang mukha.

Nilinaw din niya sa kanyang mga followers na hindi sunburn ang nararanasan niya dahil dalawang oras lang silang nakakaranas ng sikat ng araw sa kanilang tinutuluyan. 

Matatandaang nauna nilang ibinahagi ang pagpunta nilang buong pamilya sa Lapland upang magbakasyon.

Ibinahagi din ni Ellen sa kanyang mga social media followers ng sneak peak ng kanilang magandang bakasyon sa Lapland, Finland. Ang lugar ay sikat sa mga round-light phenomena, ang malawak na arctic nature nito, at kilala rin bilang opisyal na hometown ng Santa Claus. 

Naging masaya siya kasama ang kanyang asawang si Derek Ramsay, anak na si Elias. Kasama rin nila ang ilang mga myembro ng Adarna Family. Ibinahagi rin ng aktres ang isang video clip ni Elias, habang nagsaya sa snow.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo