Xian Gaza Inamin Na Ang Katotohanan sa Pagiging Klepto!

Linggo, Enero 8, 2023

/ by Lovely


Nagbigay na ng pahayag ang social media personality na si Xian Gaza hinggil sa paratang ng kanyang ex-girlfriend na bukod sa pagiging isang scammer isa rin umano siyang klepto.

Diretsahan itong pinabulaanan ni Xian Gaza. Ayon sa kanya may posibilidad pa ang kanyang pagiging isang scammer pero hindi ang paratang sa kanya na isa siyang magnanakaw.

Sa panayam niTita Krissy Achino kay Xian Gaza isiniwalat ng huli ang kanyang saloobin sa mga paratang na ibinabato sa kanya ng kanyang dating karelasyon.

"Stealing and pagiging klepto, that's 100% fake news. Pwede akong mang-scam sige. Sabihin nating nakapanloko ako. Nakapag-execute ako ng fraudulent transactions. Meron akong diniceive na tao. Aminado na ako doon... Para makadiskarte ako ng pera para maitapal-tapal ko yun mga utang ko na manghihiram ako dito, alright sabihin ko may negosyo, tinapal-tapal ko 'yung utang... Doon ako kauna-unahang natawag na scammer sa panahon na 'yon," pagbabahagi ni Xian.

"Doon sa bagay na 'yun, aminado ako. 27 people in total. Going back sa pagiging klepto, that's not me. Hundred percent fake news," paglilinaw pa niya.

Ipinahayag din ni Xian Gaza na gawa-gawa lamang itong lahat ng kanyang dating karelasyon upang kaawaan ng publiko at makakuha ng simpatya. Minamanipula lamang itong lahat ng kanyang ex upang lumabas na isa itong biktima.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo