Carlo Aquino May Pasaring Nakikialam sa Kanyang Buhay!

Linggo, Enero 8, 2023

/ by Lovely

Sa gitna ng mainit na usapin sa isyu na kinasasangkutan ni Carlo Aquino sa kanyang pakikipagdate sa aktres na si Charlie Dizon, nagbahagi si Carlo ng isang qoute mula sa Corleon.

Ang nasabing quote ay patungkol sa pangingialam sa buhay ng iba.

Si Corleone, ay ang pamilya ng mga pangunahing karakter sa sikat na classic movie na, "The Godfather." 

"Don't involve yourself in other people's personal lives – Corleone #ShotMoNaJosh @joshenvahnlee," pagbabahagi ni Carlo.

 Hindi naman ipinahayag ni Carlo kung sino ang pinapatamaan niya sa nasabing qoute.

Matatandaan na ilang araw pa lamang ang nakakalipas ng aminin mismo ni Carlo Aquino na nagde-date sila ng co-star na si Charlie Dizon at nasa 'getting-to-know' stage. Hiniling din ng aktor sa publiko na respetuhin ang kanilang relasyon.

Samantala, naging usap-usapan naman ang ibinahaging cryptic post ng ex-partner ni Carlo Aquino na si Trina Candaza hingil sa pangangaliwa at pang-iiwan ng pamilya. Sa gitna ng mainit na kontrobersiya sa relasyon nina Carlo Aquino at Charlie Dizon.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo