Carla Abellana Pinangangatawanan Ang Pagiging Daring Superstar!

Linggo, Enero 8, 2023

/ by Lovely


Tila pinangangatawanan na ng aktres na si Carla Abellana ang kanyang nasimulan sa huling bahagi ng taong 2022, ang pagpapasexy. 

Tila hindi na rin magpapaawat pa ang aktres ngayong taon. Dahil kakasimula pa lamang ng 2023 ay sinalubong na ni Carla ang kanyang mga tagahanga ng mga hot at daring na larawan.

Usap-usapan ngayon sa social media ang panibagong mapangahas na mga larawan ng aktres na kung ikukumpara sa dati ay napakalayo talaga.

Bagama't nasa mid thirty na ay hindi pa rin maipagkakailang taglay pa rin ni Carla ang napakagandang mukha.

“There’s beauty in the darkness. There’s peace in the silence. There’s purpose in the pain. You just have to believe,” caption ni Carla sa kanyang ibinahaging larawan sa kanyang Instagram account nitong Sabado.

Agad naman itong pinusuan ng kanyang mga followers at umani ng samu't-saring na mga paghanga.

"A woman who knows what she can be Now ,fight for the right go with the flow nobody can STOP her for what ever she wants to do Love Your self Carla Angeline Abellana."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo