Vhong Navarro, Naka BALIK na sa It's Showtime!

Lunes, Enero 16, 2023

/ by Lovely


Sa wakas, muli nang nakabalik si Vhong Navarro sa “It’s Showtime” nitong Lunes, January 16, matapos ang mahigit isang buwan nang mabigyan siya ng pansamantalang kalayaan mula sa pagkakakulong dahil sa mga kasong isinampa ng dating modelo na si Deniece Cornejo.

Bilang pagwe-welcome sa muling pagbabalik ni Vhong Navarro sa It's Showtime stage, kinantahan nila ang kasamahang host ng "I'll Be There For You" ng The Moffatts. Sa kanyang pagbabalik, hindi napigilan ni Vhong na maging emosyonal at maluha.

“Share ko lang din konti. Pagpasok ko dito sa ABS, sabi ko ayokong umiyak, ayokong umiyak. Kasi ito 'yung pangalawang bahay ko e. Dito, kung ano man ang pinagdaraanan mo sa buhay, tanggap ka rito. Dahil ito 'yung mga kapatid ko e, ito 'yung pamilya ko. At kasama roon ang Madlang People, extension kayo ng pamilya namin. Kaya lang, pagdating ko dito sa backstage, wala e, talagang bumabagsak talaga siya e,” pahayag ni Vhong Navarro.

Nagpapasalamat din si Vhong Navarro sa lahat ng mga tumanggap at patuloy na sumusuporta sa kanya sa kabila ng mga kinakaharap niya. Ipinahayag din ni Vhong Navarro ang dahilan kaya hindi siya kaagad na nakabalik sa show.

Inamin pa niyang hindi niya kayang manood ng It's Showtime habang nasa kulungan dahil lalo lamang niyang namimiss ang kanyang mga kasamahan at ang madlang pipol.

“Hindi kasi ako nanood ng 'Showtime' noong nasa loob ako kasi ayokong makadagdag na, nami-miss ko kasi kayo e. Ayoko, nalulungkot ako lalo kaya iniiwasan kong manood. Kaya siguro sabi ko manonood na lang ako kapag nakalabas ako. Kaya lang paglabas ko, hindi ko pa kayang bumalik pala agad kasi may mga prosesong kailangang gawin. Pero mabait ang Panginoon e, talagang hindi niya ako pinabayaan kaya andito ako uli.”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo