Deniece Cornejo, Galit na Galit sa Muling Pagbabalik ni Vhong Navarro sa It's Showtime!

Monday, January 16, 2023

/ by Lovely


Nagbubunyi ngayon ang lahat ng madlang pipol, sa muling pagbabalik ni Vhong Navarro sa sikat na noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime.

Marami ang naging emosyunal sa muling pagtungtong ni Kuys Vhong sa entablado ng Showtime, may ilan pang napaluha sa tuwa dahil rito.

Maging si Vhong Navarro ay hindi rin napigil ang kanyang emosyon at napaluha nang maramdaman ang init ng pagtanggap sa kanya ng kanyang mga co-hosts at maging ang madlang pipol. Sobrang naramdaman niya ang labis na pagmamahal at pagsuporta ng mga ito.

Matatandaan na una nang nagpahiwatig si Vice Ganda tungkol sa isang taong nananabik nang muling makabalik sa Showtime.

Samantala, iniisip naman ngayon ng ilang madlang pipol ang reaksyon ni Deniece Cornejo sa balitang nagbabalik na sa dating trabaho si Vhong Navarro. Ayon sa ilang mga fans, tiyak na nanggagalaiti ngayon sa galit si Deniece Cornejo sa pagdiriwang ni Vhong Navarro kasama ang nagmamahal at sumusuporta rito.


No comments

Post a Comment

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo