Sunshine Dizon, Sinupalpal ang Basher na Nangingialam sa Pagbabalik niya Sa GMA7!

Lunes, Enero 23, 2023

/ by Lovely


Hindi pinalampas ng aktres na si Sunshine Dizon ang isang netizen na nambash sa kanya sa muli niyang paglipat sa GMA7.

Nakatanggap ngayon ng mga pambabatikos  mula sa mga netizens ang aktres na si Sunshine Dizon dahil sa pagbabalik niya sa Kapuso Network matapos makagawa ng isang teleserye sa ABS-CBN.

Makakasama si Sunshine sa bagong programa ng GMA 7 na mapapanood na sa susunod na buwan, ang upcoming action-adventure series na “Mga Lihim Ni Urduja.” Makakasama din niya rito ang mga Sang’gre ng remake ng “Encantadia” na umere noong 2016 sa GMA 7 — sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia at Kylie Padilla.

Tila hindi naman ito nagustuhan ng ilang mga Kapamilya fans at sinabing pabago-bago ang desisyon ng aktres.

“Wag pong kuda ng kuda hindi mo alam ang real story. wala akong na burn na bridge. I can work with anyone I want to work with. I can also choose not to work kung gusto ko. Wag masyadong nag MAMARUNONG. TY,” maanghang  na sagot ni Sunshine sa basher.



Matatandaang noong 2021, lamang nang lumipat sa Kapamilya network si Sunshine Dizon. Matapos makasama sa isang romantic-comedy na Marry Me, Marry You na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino ay hindi na nabigyan pa ng proyekto si Sunshine.

Samantala, masaya naman ang mga Kapuso fans sa muling pagbabalik ng aktres at inaabangan na nila ang teleseryeng kinabibilangan nito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo