Antonette Gail Isinugod Na Ni Whamos Cruz Sa Ospital Manganganak Na!

Lunes, Enero 23, 2023

/ by Jerome


 Antonette Gail isinugod na sa Ospital ito ang latest balita hingil sa celebrity couple na WhamoNette.

 Dinala kaagad sa Ospital si Antonette matapos na makaranas ng pananakit ng tiyan. Makikita pa  sa video na umiiyak na ito habang pinapasakay sa kanilang sasakyan.

Tila nag-uumpisa na ang pagli-labor ni Antonette at ayon mismo kay Whamos na siguradong ngayong gabi lalabas na ang kanilang anak. Halos ilang araw na daw silang naghahanda at pabalik-balik sa Ospital pero tila sa bawat pagkakataon ay false alarm lamang pero sa pagkakataong ito mukhang ito na ang hinihintay ng magkasintahan dahil sobra na daw ang sakit na nararamdaman ni Antonette.

Samantala, napansin naman ng mga netizen kung gaano inaalagaan nitong si Whamos Cruz ang kanyang mag-ina, inaalagaan nito nang maayos at hindi umaalis sa tabi ni Antonette. Kinumpara pa ng ibang mga netizen sa mga naranasan nila na wala ang kanilang mga asawa noong sila ay nag  li-labor pa. Kaya naman ma-swerte daw si Antonette kay Whamos dahil ito ay kanyang maaasahan sa lahat nang oras at tunay umano ang pagmamahal nito.

Sa ngayon marami na ang nag-aabang sa bagong update ni Whamos Cruz at excited na rin na makita ang kanilang panganay na anak.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo