Marco Gumabao Minulto Sa Baguio, Parang May Nakapatong sa Kanyang Ulo!

Lunes, Enero 23, 2023

/ by Lovely

Ibinahagi ng Kapamilya aktor ang kanyang nakakakilabot na karanasan sa isang taping kamakailan.

Minulto umano ang hunk actor na si Marco Gumabao habang nagsu-shooting noon sa Baguio City para sa isang teleserye ng ABS-CBN.

Pinagbibidahan ng binata sa pre-Valentine offering ng Viva Films, ang Pinoy adaptation ng Korean fantasy-romance blockbuster movie na “Spellbound”. Kung saan kasama niya sina Bela Padilla at Rhen EscaƱo.

Ang kuwento ng “Spellbound” ay umiikot sa mga kaluluwang hindi matahimik at gagampanan ni Marco Gumabao ang papel ng isang magician habang may third eye naman si Bela Padilla.

“It’s a very challenging role for me because I don’t really know anything about magic,” kuwento ni Marco sa naganap na virtual mediacon ng pelikula.

“But because of my character, si Victor, natuto ako. I took a workshop on magic for this role and now, nagagamit ko pa rin yung maging tricks na natutunan ko.

“Sa story, Victor is not really a good magician but he meets Bela Padilla as Yuri and she helps him be a big hit with his audiences,” pagbabahagi ni Marco.

Inamin din ng aktor na kabaliktaran sa role niya sa pelikula na hindi natatakot sa mga multo, sa totoong buhay ay naduduwag siya sa mga ito.

“Actually, Victor is not brave, but for Yuri, nagiging matapang siya. Like Bela who admitted na takot siya sa multo in real life, duwag din ako sa multo, although never pa ko nakakita. But once, when I was shooting a soap for ABS-CBN in Baguio, natutulog ako sa hotel room ko when I felt something strange. Pakiramdam ko, may nakapatong sa ulo ko at may naririnig akong footsteps sa loob ng room. So nagtalukbong na lang ako to sleep,” pagkukwento ng aktor.

Sa katunayan ay iniiwasan umano ni Marco ang manood ng mga horror movies at mga horror documentaries dahil sa takot niya sa mga multo.

Samantala, inilabas na ang official trailer ng Philippine adaptation ng pelikulang 'Spellbound'.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo