Real Quick? Kelvin Miranda at Kira Balinger, Nag-Unfollow Na Sa Isa’t-Isa!

Huwebes, Enero 5, 2023

/ by Lovely


Mainit na pinagpipiyestahan ngayon sa social media, ang mga screenshot na inilabas ng ex-girlfriend ni Kelvin Miranda na si Roselle Vytiaco, hinggil sa panloloko umano ng Kapuso actor na siyang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Ibinahagi din ni Roselle sa kanyang Instagram story na ang ang dalawa ay parehong bida sa isang upcoming film. Ang akala niya raw noon na hanggang sa taping lang ‘yung sweetness ng dalawa, subalit naging totoo na pala.

“Meron silang upcoming film. Sila yung bida pareho. Ever since we started dating, I’m very open to our field of work kasi halos same kami na may nakawork na iba’t-ibang tao. Sa kaniya nga may mga bed scene pa but full support ako sa kaniya, as is never naging problem sa akin,” pagbabahagi niya.

Isiniwalat pa niya kung gaano ka seloso at ka manipulative si Kelvin sa kanya.

“He’s toxic AF. Manipulative and Narcissistic. Matagal na ako nakikipaghiwalay sa kaniya pero lagi siyang mananakot na magpapakamatay siya. Self-harm to manipulate the situation,” saad ni Roselle.

Samantala, napansin naman ng ilang mga netizens na naka-unfollow na sina Kelvin Miranda at Kira Balinger sa isa't-isa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo