Heaven Peralejo, Lilipat Ng Network?

Huwebes, Enero 5, 2023

/ by Lovely


Sa isang panayam sa aktres na si Heaven Peralejo, naitanong sa kanyang kung may natatanggap ba siyang offers mula sa ibang networks at kung naiisip ba niyang lumipat.

Aminado naman ang aktres na may natatanggap siyang offers mula sa ibang networks. Subalit nilinaw niya na wala siya balak na lumipat.

Ayon pa kay Heaven, hindi niya iniisip ang ibang mga offers at wala pa siyang balak na lumipat sa ibang networks.

Ipinahayag din ni Heaven ang malaking pasasalamat niya sa lahat ng kanyang mga na-achieve sa taong 2022. 

Hiling niya na mas marami pang blessing ang matanggap niya sa taong kasalukuyan at ang lalong paglago ng kanyang mga negosyo.

"I really hope na itong Nananahimik ang Gabi will open up a lot of tours for me. I will like to take more challenging roles."

Sa huli, muling inanyayahan ni Heaven Peralejo ang lahat na panoorin ang kanilang pelikulang Nananahimik ang Gabi. Kung saan aniya pa'y, makakapulutan ng maraming aral at nagsisilbing eye opener para sa lahat.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo