Paolo Contis, Araw-Araw na Nami-miss Ang Anak na si Summer!

Huwebes, Enero 5, 2023

/ by Lovely


Ipinahayag ng aktor na si Paolo Contis ang kanyang pangungulila sa kanilang anak ng dating partner na si LJ Reyes sa pamamagitan ng isang social media post.

Kahapon, January 4 ay ipinagdiriwang ni Summer ang kanya ika-apat na kaarawan. Kaya naman lubos ang pagbati ni Paolo.

"Happy birthday my Ganda! I miss you everyday!" kalakip ang isang heart emoji.

Matatandaang, nagdesisyon si LJ Reyes na pumunta sa New York matapos ang hiwalayan nila noon ni Paolo Contis. Dahil rito, mahigit isang taon na ring hindi nakakasama ni Paolo ang kanilang anak.

Samantala, si Summer ay ang pangatlong anak ni Paolo Contis. May dalawa pa siyang anak na babae sa dating asawa na si Lian Paz.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo