Rabiya Mateo Naniniwalang Maiuuwi ni Celeste Cortesi Ang Ika-Limang Ms. Universe Crown Bansa!

Biyernes, Enero 13, 2023

/ by Lovely


Buo ang paniniwala ng dating Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo na maiiuwi ni ng kasalukuyang Miss Universe Philippines na si Celeste Cortesi ang ikalimang Miss Universe Crown ng bansa.

Kasalukuyang, nasa New Orleans si Celeste Cortesi bilang kinatawan ng bansa sa 71st Miss Universe pageant.

Noon pa man ay buo na ang pagsuporta ni Rabiya Mateo para kay Celeste Cortesi.

Sa kanyang Instagram account nitong huwebes, January 12, 2023, masusing sinubaybayan ni Rabiya ang ginanap na Miss Universe 2022 preliminary competition sa New Orleans, Louisiana.

Sabi ni Rabiya sa isang Instagram Story, sigurado nang si Celeste ang mag-uuwi ng ikalimang korona ng Miss Universe sa Pilipinas.

Matatandaang apat na Pinay Beauty Queen na ang nag-uwi ng Miss Universe crown sa bansa sina  Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).

Samantala, napansin ng ilang mga pageant fans ang pagkakaroon umano ng Rabiya vibes ni Celeste habang nasa preliminary ng Miss Universe.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo