Julia Barretto Sinalubong Sa Tuwa Si Gerald Anderson Pero Bakit Iniwan Sa Ere | Proud Pa Naman Si Jul

Martes, Enero 31, 2023

/ by Sparkle

 


Ganito ang nangyari nang manalo si Gerald Anderson sa kanyang basketball game. Bakit bigla niyang tinalikuran si Julia Barretto at initsapwera pagkatapos ng laro? Marami ang nag-react dito pagkatapos ng kanilang yakapan.

Laging sweet ang dalawa lalo na sa mga post nila at talagang hahanga ka dahil matagal na silang magkarelasyon at parang going strong. Bagay din ang dalawa.

Nang manalo si Gerald sa basketball, ginulat siya ng girlfriend niyang si Julia. Nagtago pa ito sa isang tabi para salubungin si Gerald. Agad tumakbo si Julia, niyakap at naghalikan ang dalawa.

Nang matapos ang video, napansin ng netizens na naiwan agad si Julia at agad na nakipaghalubilo si Gerald sa kanyang team. Naiwan si Julia sa ere kaya maraming nagkomento dito.

Sabi ng isang netizen, “Grabe si Gerald! Iniwanan agad si Julia, di ko feel si Gerald. Mahal lang niya si Julia pero di niya mahal na mahal. Kapag mahal na mahal mo ang isang tao, kasama mo siya sa achievements mo. Proud pa naman si Julia.”

Saad pa ng isang netizen, “Hala! Mukhang excited pa syang makayakap ng matagal ang kanyang team kaysa sa girlfriend. Sana man lang, nagstay muna siya kahit ilang minuto kay Julia. Hindi ‘yong bigla lang iniwan. Yes, hinalikan pero mas doon siya excited sa team.”

“Hindi man lang hinawakan ang kamay at binitawan agad. Naku! May nakita akong red flag. Kung gaano ka excited si Julia na sumalubong at halos nagtatalon sa tuwa nang makita siya, ganoon din si Gerald ka-excited sa team niya.”

May pahabol pa ngang comment ang isang netizen, “Tapos, pansin niyo ba? Isang kamay lang ang ginamit sa pagyakap kay Julia? Actually, hindi yakap. Seems like hinawakan lang si Julia, matapos biglang patagilid na iniwanan. Sana sinuklian din niya ng dalawang kamay sa pagyakap, nagmamadali lang?”

Samantala, baka nadala lang ng excitement ang pag-itsapwera ni Gerald kay Julia at wala itong malisya. Halata namang nag-enjoy sila sa after party at selebrasyon ng pagkapanalo.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo