Pokwang Handa Nang Pilahan Muli, Ready na sa Bagong Manliligaw!

Miyerkules, Enero 4, 2023

/ by Lovely


Agad na  umagaw sa atensyon ng netizens ang ibinahaging Instagram stories ng komendyanteng si Pokwang.

Sa kanyang Instagram stories, ibinahagi ni Pokwang ang kanyang magandang larawan kalakip ang isang nakakatuwang caption.

“Hoy 2023 na!!! Pwede na kayong mag apply mga papa. Saan na kayo???” kwelang caption ni Pokwang.

“Bawal ang user ha or mangga!!! Manggagamit!!!” dagdag pa nito.

Si Pokwang ay kabilang sa mga pinakagustong komedyante sa industriya. Palaging "patok" ang kanyang prangka at pagiging ina sa mga Pilipino. 

Dati siyang kasama sa ABS-CBN ngunit lumipat sa GMA noong pandemic. Noong July 2022, kinumpirma ni Pokwang ang kanilang hiwalayan ng kanyang partner, si Lee O'Brian, sa pamamagitan ng isang online na post. 

Sinabi ng celebrity mom na mas mabuting maging magkaibigan na lamang sila ni Lee. Ayon kay Pokwang, talagang nagkasundo sila ng dati niyang partner.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo