Dennis Padilla Umasa Palang Babatiin Din ng Mga Anak Total Pasko Naman!

Miyerkules, Enero 4, 2023

/ by Lovely


Matapos dumaan ang Pasko at bagong taon, umasa pala talaga ang aktor at amang si Dennis Padilla na makatatanggap man lang ng tugon sa mga anak na sina Dani, Julia, Claui, at Leon Barretto na kanyang binati sa mga nagdaang okasyon.

Subalit, ni isa sa apat na anak kay Marjorie Barretto ay hindi nagparamdam sa ama sa parehong okasyon.

Ito ang isiniwalat mismo ni Dennis Padilla sa latest showbiz update ng manager at showbiz columnist na si Ogie Diaz na kumausap sa kanya ukol sa kontrobersyal na mga online post nito na layong makuha ang atensyon ng mga anak.

Matatandaang ipinahayag ni Ogie Diaz ang kanyang paghanga kay Dennis Padilla sa isa-isang pagbati sa mga anak nitong nagdaang kapaskuhan. Sinagot naman ito ni Dennis na nakakalungkot lang dahil ni isa sa mga ito ay hindi man lang bumati pabalik sa kanya.

Aminado si Dennis na labis siyang umasa na magbabati sila ng kanyang  mga anak ngayong pasko. Subalit nabigo siya dahil lumipas na lamang ang Bagong Taon ay hindi man lang siya nakakuha ng simpleng pagbati.

“Dapat daw ‘wag na ‘kong mag-expect ng reply. Pero still hoping kasi total Christmas naman,” pag-amin ni Dennis.

Pinayuhan naman ni Ogie si Dennis na hintayin na lamang ang mga anak kung kailan sila magiging handa sa pagpapatawad.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo