Carla Abellana Very Proud sa Sarili na Nalampasan ang Taong 2022!

Miyerkules, Enero 4, 2023

/ by Lovely


Ibinahagi ng aktres na si Carla Abellana sa kanyang Instagram account kung gaano kasakit ang kanyang pinagdaanan sa taong 2022 at kung paano niya itinayo ang kanyang sarili.

Agad naman itong hinangaan ng mga netizens at marami ang na-inspired sa kanyang ipinakitang katatagan.

Ayon kay Carla, napilitan siyang harapin angmost shattered at broken pieces ng kanyang sarili noong 2022. Gayunpaman, sa halip na sumuko pinili niya ang maging isang survivor.

"This year I was forced to face the most broken and shattered version of myself.

But also meet the survivor i had turned into, who is slowly embracing grace."

Matatandaang noong 2022, nakipaghiwalay ang aktres sa noo'y asawang si Tom Rodriguez. Kumalat ang mga isyung niloko ni Tom si Carla at mali ang paghawak ng kanilang pera. Ang mga tsismis na iyon ay hindi kailanman kinumpirma sa social media ng dalawa.

Hanggang ngayon ay nananatiling tikom ang bibig ng dalawa sa totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo