Pia Wurtzbach, May ‘Hagisan’ Sa Kama Sa Pagsalubong Ng New Year!

Friday, January 6, 2023

/ by Lovely


Ibinahagi ni Pia Wurtzbach ang kanyang pagsalubong sa bagong taon, na siyang kinaaliwan ng mga netizens online.

Sa kanyang Facebook page, nagbahagi si Pia ng isang witty caption sa kanilang pananatili ng kanyang boyfriend sa The Fife Arms.

"Some beer… Some haggis… Some haggisan sa bed… wait wait? ๐Ÿ˜ฏ 

Charot lang ๐Ÿ˜

Had the most epic start of the year at @thefifearms ๐Ÿ’™," witty na caption ng beauty queen.

Agad namang kinatuwaan ng mga netizens ang ibinahaging post na ito ni Pia. May mga nagsasabing talagang hindi ito nagpapatalo at palaging itinatayo ang bandera ng Pilipinas.

Maging ang sikat na online personality na si Senyora ay napakomento rin sa nasabing post ni Pia Wurtzbach.

"HINDE!! Walang maghahagisan sa bed na to. Di ako papayag!" mababasang komento ni Senyora. Kalakip nito ang larawan ng kama nina Pia at Jeremy na inuupuan niya habang nagkakape.

"Senyora Manood kana nalang while coffee paano si Pia Wurtzbach ihagis hagis intense." pang-aasar naman ng iba kay Senyora.



No comments

Post a Comment

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo