Aljhon Lucas, Ni-Realtalk Ang Ibang ‘Hashtag’ Member!

Biyernes, Enero 6, 2023

/ by Lovely

 

Nagbigay ng pahayag ang isa pang myembro ng Hashtag na si Aljhon Lucas hinggil sa mga isyung kinakaharap ng kanyang mga ka-grupo.

Tumanggi siyang magbigay ng anumang komento o saloobin sa mga kinakaharap ngayon ng kanyang mga kagrupo lalong-lalo na sa isyung kinahaharap ni Mccoy De Leon.

“Huwag niyo ko tanungin sa issue ng ibang hashtags. Ang issue lang na alam ko ay hindi kami sabay sabay sumayaw, at napatunayan din naman agad,” pahayag ni Aljhon sa kanyang Facebook post.

“Screenshot niyo na guys. Pinapadelete na ng asawa ko kasi noon pa naman daw ito napatunayan,” biro niya pa sa comment section.

Matatandaan na naging mainit na usapin sa social media ang pag-amin ng kagrupo niyang si Mccoy ng hiwalayan nila ng kanyang partner na si Elisse Joson.

Samantala, naghatid naman ng goodvibes ang ibinahaging post ni Aljhon.

"Minsan din naman sabay sabay kayo."

"Bwahahahahahahahaha!!! Akala ko kami lang"

"Di man kayo sabay sabay. Sumayaw atleast sabay sabay kayo nagkakamali. Yan ang pinaka importante."

"Sa wakas may isang makatotohanan post din akong nakita ngayong Gabi walang bahid Ng kasinungalingan HAHAHA"

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo