Boy Abunda, Tinanggihan Ang Offer Maging Show Commentator Sa Miss Universe!

Huwebes, Enero 5, 2023

/ by Lovely


Usap-usapan ngayon sa mundo ng pageantry ang pagtanggi ni Boy Abunda sa offer na maging isang show commentator para sa nalalapit na Miss Universe.

Tila may kinalaman ang mga paghahanda ni Boy Abunda sa bagong programa sa GMA-7 at sa mga nauna nang commitment na kanyang tinanggap kaya magalang niyang tinanggihan ang alok ng Miss Universe Organization (MUO).

Magaganap ang grand coronation ng 71st edition ng Miss Universe sa Ernest N. Morial Convention Center, New Orleans, Louisiana, USA, sa darating na January 14, 2023,January 15, 2023 naman dito sa Pilipinas.

Ayon sa aming nakalap na impormasyon, napanood at nagustuhan ng mga executive ng MUO ang hosting job ni Boy Abunda sa isang event sa New York City kaya nakipag-ugnayan sila sa multi-awarded Filipino host noong November 2022 para imbitahan itong maging show commentator ng 71st Miss Universe.

Subalit, magalang na tinanggihan ito ni Boy Abunda. 

Kung sakaling tinanggap ni Boy Abunda ang offer sa kanya ng Miss Universe Organization, siya sana ang nag-iisang lalake sa all-female hosts na kinabibilangan nina Miss Universe 2012 Olivia Culpo, Emmy award-winning television host Jeannie Mai-Jenkins, at ng mga backstage emcee na sina Catriona Gray at Access Hollywood correspondent Zuri Hall.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo