Pagpatol Ni Yen Santos Kay Paolo Contis, Ikina-Stress Ng Isang Online Personality!

Monday, January 30, 2023

/ by Lovely


Muli na namang naungkat ang kontrobersyal na hiwalayan nina LJ Reyes at Paolo Contis, matapos ang diretsahang pag-amin ni Paolo sa relasyon nila ngayon ni Yen Santos.

Agad na umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang pag-amin ni Paolo Contis ngayong lunes na totoong may relasyon na sila ni Yen. Bagama't nilinaw ni Paolo na hindi si Yen Santos ang totoong dahilan ng hiwalayan nila ni LJ Reyes, tila hindi pa rin kumbinsido ang lahat.

Maging ang isang sikat na social media personality na si Senyora ay hindi umano lubos maisip kung ano ang pumasok kay Yen at jinowa pa ang katulad ni Paolo Contis.

"Dalawang babae na inanakan at hindi nagbibigay sustento. Jojowain o totropahin?

Yen: JOJOWAIN!!!"

Partikular na hiniritan nito ang umano’y red flag na hindi pala pagsustento ng aktor sa kaniyang mga anak sa dating mga partner na si na LJ Reyes at Lian Paz.

( Hide )
  1. Next ka na sa listahan ni Paolo..Sana nagisip ng mabuti bago pumatol..kunti kasi ang lalaki sa mundo.

    ReplyDelete

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo