Voltes V: Legacy Ka-Level ng Pacific Rim at Transformers!

Lunes, Enero 30, 2023

/ by Lovely

Maihahalintulad umano sa mga Hollywood movies na 'Pacific Rim' at 'Transformers' ang inaabangang pinakamalaking produksiyon ng GMA Network ngayong 2023, ang 'Voltes V: Legacy'. 

Mapapanood na ang inaabangang Voltes V: Legacy pagkatapos ng hit fantasy-historical drama na Maria Clara at Ibarra.

Ang update na ito ay mula mismo kay Kapuso actress Ysabel Ortega na gaganap bilang “Jamie Robinson” sa Philippine adaptation ng classic anime series mula sa Japan, na ilang beses na ring ipinalabas sa naturang network noon.

“Aside from story niya being about family, about heroism, siguro quality? Talagang pinaghirapan ang show na ito. We took our time and they took their time editing everything. So it’s quality and it’s free. So sa mga namamangha sa Hollywood films like Pacific Rim, Transformers, they can get that same quality or same feel dito sa GMA,” pahayag ni Ysabel Ortega.

Nilinaw din naman ni Miguel Tanfelix na siyang gaganap bilang “Steve Armstrong” na wala raw sampalang magaganap dito, kagaya ng napapanood sa ibang mga teleserye.

Matatandaang, hindi nagustuhan ng ilang mga netizens ang pagsali nila ng isang love story sa kwento ng Voltes V: Legacy dahil wala namang love story sa original anime series. Agad namang nilinaw ng screenwriter ng GMA na si Suzette Doctolero ang kahalagahan ng paglalagay nila ng love story sa kwento.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo