Ebe Dancel Nagbigay Ng Donation Mula Sa Kanyang Concert Sa Guitarist Ng Parokya Ni Edgar!

Lunes, Enero 23, 2023

/ by Lovely


Ang OPM hitmaker na si Ebe Dancel ay nagbibigay ng tulong sa kanyang kasamahan at malapit na kaibigan, ang Parokya ni Edgar guitarist na si Gab Chee Kee. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanyang kinita sa concert para makatulong sa mga bills sa ospital ng huli.

Sa isang post sa social media nitong weekend, sinabi ni Ebe Dancel na magbubukas siya ng karagdagang mga slot para sa kanyang "Sa Wakas" anniversary concert para matulungang pondohan ang pagpapaospital ni Gab Chee Kee.

Kasalukuyang nasa Intensive Care Unit si Gab Chee Kee na nakikipaglaban sa lymphoma-induced pneumonia.

"Marami pa ring nagtatanong, kaya napag usapan namin na magdagdag ng 100 more tickets. Proceeds from the sales will be given to Gab Chee Kee’s fund for his hospitalization fees and therapy. @gabnomods is one of my best friends, kaya salamat sa mga tumulong/tutulong/tutulong pa lang," caption ni Ebe  sa kanyang Instagram post.

Naging available ang limited ticket sa 20th anniversary of Sugarfree 2003 album na "Sa Wakas" noong Sabado, January 21.

Samantala, maging ang bandang Parokya ni Edgar ay naghahanda na rin ng fund raising concert para sa kanilang kasamahan na nangangailangan ng malaking tulong pinansyal at pagdarasal.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo