Liza Soberano, Lilipat Na sa L.A upang Tuparin ang Pangarap na Maging International Actress!

Lunes, Enero 16, 2023

/ by Lovely


Naibahagi ng aktres na si Liza Soberano sa isang guesting niya sa Youtube channel ng make up artist na si Patrick Starrr.

Inamin din ni Liza na hindi na niya ito sinapubliko pa dahil mas madala umano para sa kanya kung lilipat siya. 

Sa naturang vlog, diretsahang sinabi ni Liza na gusto niyang maging world-class actress at ito ang kanyang main goal sa LA.

Mas maganda din umanong malapit siya para sa face to face meeting para mas makita ang kanyang personality kumpara sa pakikipag meeting lamang sa pamamagitan ng zoom.

"I've never really officially announced that I'm moving to LA. But that's just because it is much easier to build my career if I am out here because they are always looking for in-person meetings and it's just hard to book the job when you're meeting people over Zoom. They can't really tell what your personality is like and they can't see what you actually look like," pahayag pa ng aktres.

Samantala, naging usap-usapan din ang ginawang makeup transformation ni Patrick Starrr kay Liza sa kanyang vlog. Sa naturang video na umabot sa 16 minutes, beauty queen makeup transformation ang ginawa ni Patrick. Marami sa mga netizens ang namangha sa "Miss Universe" transformation ni Liza. 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo