Celeste Cortesi Malungkot Sa First Interview after Losing Miss Universe 2022!

Lunes, Enero 16, 2023

/ by Lovely


Nagbigay na ng saloobin si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi matapos ang kanyang pagkabigo na makapasok sa top 16 ng Miss Universe pageant na ginanap sa New Orleans.

Agad na naglabas ng saloobin ang pambato ng Pilipinas na si Celeste Cortesi matapos niyang mabigo na makapasok sa Top 16 finalist ng Miss Universe 2022. 

Sa kabila ng kanyang pagkabigo, labis pa ring nagpapasalamat si Celeste sa lahat ng mga sumusuporta sa kanyang journey at naniniwala sa kanyang kakayahan.

Samantala, agaw pansin naman ang lungkot at panghihinayang na makikita sa mga mata ni Celeste. Makikitang labis itong nadismaya at nasaktan sa pagkabigong natamo.

Halos hindi naman makapaniwala ang mga fans ni Celeste na hindi man lang ito nabigyang ng spot sa top 16 ng kompetiyon. Matatandaang sa lahat ng pageant prediction mula sa mga experts ng pageantry ay palaging nakakasama si Celeste at sinasabing malakas ang laban nito.

Maging ang national director ng Miss Universe ng bansa na si Ms. Shamcey Supsup at dismayado rin sa resulta. Ipinahayag din niya na kahit pa bigo si Celeste ay maganda pa rin ang ginawa nito sa kompetisyon.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo