Celeste Cortesi, Nahagip sa Kamera na Umiiyak Paalis ng Miss Universe Stage!

Monday, January 16, 2023

/ by Lovely


Nabigo si Celeste Cortesi na makapasok sa Top 16 sa 71st Miss Universe pageant na ginanap kahapon sa New Orleans, USA.

Ito ang unang pagkakataon na hindi nakasali ang Pilipinas sa top 16 finalist ng Miss Universe mula noong 2010, kung saan ang kasalukuyang National Diretor ng bansa na si Shamcey Supsup ang kandidata.

Isang netizen na may Twitter handle na si @jpaulryes ang nag-upload ng video ni Celeste na umiiyak habang papaalis sa Miss Universe stage. Ito ay nagpapakita kung gaano kalaki ang kagustohang manalo ni Celeste pagkatapos ng ilang mga buwan ng matinding paghahanda para sa kompetisyon. 

Sa comments section ng video, maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang heartbreak sa pag-iyak ni Celeste dahil sa resulta ng kanyang performance. Hindi man nakapasok sa Top 16, ipinagmamalaki pa rin ng mga Pilipino si Celeste.

Buong puso pa rin ang pagsuporta ng mga fans nito na patuloy na pinapalakas ang loob ni Celeste.

”Let’s protect our Celeste” 

”We are so sad you didn’t make it Celeste. We know how hard you worked for this and how bad you want the MU crown. We are still so proud of you for making it this far.”

No comments

Post a Comment

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo