Ciara Sotto, Binuking Si Ruffa Gutierrez Nangingiti Habang May Ka-Chat!

Lunes, Enero 9, 2023

/ by Lovely


Tila na-hot seat ang actress-host na si Ruffa Gutierrez matapos mapansin ng co-host na si Ciara Sotto, sa M.O.M.s, na may ka-chat siya habang nasa set. 

Ang nasabing video ay nakunan mismo ni Ciara at ibinahagi naman sa kanyang pinakabagong vlog upload sa kanyang YouTube channel. Sa nasabing vlog, makikitang nagbibigay ng treat si Ciara sa kanyang fans sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng sulyap sa taping day nila nina Ruffa at Mariel Rodriguez.

Makikita rin sa video na tila malalim ang iniisip ni Ruffa habang nagta-type sa kanyang cellphone, kaya napatanong si Ciara, "Te, sino ka-text mo?" 

Sa huli, sumagot ang celebrity mom at nagsabing "wala," na nagdulot ng nakakatuwang reaksyon mula kay Ciara sa video.

"Parang gusto naming maki-hi, bakit di kami pwedeng mag-hi sa ka-Facetime mo? Hindi ka makita ng kausap mo. Hindi siya makita ng kausap niya mhie," pahayag ni Ciara. 

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap, tinukso pa ni Ciara si Ruffa habang nakangiti ang huli habang nagta-type sa kanyang telepono, "Chine-check siya o. Ay naka-smile."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo