Herlene Budol Nagpresentang maging Ninang ni Peanut! Kukunin kaya?

Huwebes, Enero 12, 2023

/ by Lovely


Sunod-sunod na ifli-nex ng first time daddy na si Luis Manzano ang kanyang Daddy duties sa unang anak nila ni Jessy Mendiola.

“Hi Peanut ❤️❤️ Isabella Rose Tawile Manzano,” caption ni Luis sa kaniyang Facebook post noong Linggo, January 7.

Tinakpan naman ni Luis ang mukha ni Baby Peanut dahil tila hindi pa sila handang ipasilip sa publiko ang mukha ng kanilang anak.

Marami namang nagbigay ng komento sa nasabing larawan at isa na nga ang aktres-beauty queen na si Herlene Budol.

Nagpresenta itong maging ninang ni Baby Peanut subalit may kakaiba itong twist.

“Hi peanut sana kunin akong ninang tapos daddy at mommy mo magbibigay sakin every year ng pamasko,” hirit ni Hipon Girl.

Sinagot naman ito ni Luis Manzano at sinabing, “Parang may iba ha!”

Samantala, hindi naman nito kinumpirma o tinanggihan ang hiling ni Hipon Girl na maging isa sa mga magiging ninang ni Baby Peanut.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo