Donnalyn Bartolome Pinayuhang Mag-aral Muna ni Rendon Labador!

Huwebes, Enero 12, 2023

/ by Lovely

Muling nagbigay ng reaksiyon at may pahabol pang tip ang motivational speaker at social media personality na si Rendon Labador sa naging depensa ng kapwa social media personality at vlogger na si Donnalyn Bartolome sa pag-ungkat ng mga netizen sa pagkakaroon niya ng sports car na regalo sa kaniya ng mga magulang noong siya ay 16-anyos.

Matatandaang inilahad ni Donnalyn sa kanyang social media account ang kaniyang mga pinagdaanan sa buhay at kung paano siya nagtrabaho noon, matapos mag-viral ang kaniyang “balik-trabaho” post pagkatapos ng holiday season bilang pagdepensa sa sarili. 

Sa ipinalabas na depensa ni Donnalyn, pinagmulan pa ito ng iba’t ibang memes. Binansagan na rin si Donnalyn bilang "patron saint ng Labor and Employment" ng ilang mga netizens dahil sa kanyang mga pahayag.

Samantala, hindi nakumbinse ni Donnalyn ang mga netizens at maging si Rendon Labador sa kanyang pinagdaanan umano sa buhay.

“TIP: The more na nagsasalita ka the more kang nagkakamali, sarili mo pinapahamak mo lang. Aral ka muna para hindi ka mag mukang mali-mali sa socmed,” pahayag at payo ni Rendon para kay Donnalyn.

Samantala, wala pang tugon si Donnalyn sa ibinahaging tip ni Rendon Labador.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo