Heart Evangelista at Chiz Escudero Nagkabalikan O Mag-Kaibigan?

Biyernes, Enero 6, 2023

/ by Lovely


Noong nakaraang Agosto 2022, kumalat ang mga spekulasyon ng hiwalayan ng celebrity couple na sina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista.

Unang napansin ng ilang mga netizens ang tila panlalamig umano ng dalawa sa pag-attent ng SONA ng pangulo at GMA Thanksgiving Gala.

Lalo pang pinagtibay ang mga espekulasyong ito matapos magbahagi ni Heart sa kanyang Youtube channel tungkol sa personal niyang pinagdadaaanan. Nakadagdag pa rito ang pagbili ni Heart ng apartment sa Paris.

Subalit, agad naman nilinaw ni Heart na trabaho ang dahilan ng kanyang pagbili ng property at hindi kung ano paman.

Samantala, nitong huling bahagi ng Decemeber 2022, ginulat ni Heart ang mga netizens matapos niyang magbahagi sa kanyang Instagram ng update kung saan sinulat niya na, "see you soon @chizescuudero".

Nitong bagong taon ay ibinahagi ni Heart ang larawan nila ni Chiz kasama ang dalawang anak nito. Kasalukuyang nasa Japan sila ngayon, nagbabakasyon.

Base sa mga ibinahaging larawan, makikitang maayos naman ang pamilya. Subalit hindi pa rin mawala sa isipan ng ilang mga netizens ang isyung naghiwalay na sila.

May mga nagsasabing, tila nawala na umano ang sweetness na dating makikita sa dalawa. Kung titingnan umano ngayon ang dalawa ay tila magkaibigan na lamang.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo