Mary Joy Santiago Balak Talbugan Sila Aj Raval at Anglie Khang Sa Pagpapa Sexy!

Biyernes, Enero 6, 2023

/ by Lovely




AJ Raval at Angeli Khang balak talbugan ni Mary Joy Santiago sa pagpapasexy sa mga VivaMax movies?

Si Mary Joy Santiago ang pinakabagong contract artist ng Viva Artist Agency, ang talent management arm ng Viva Entertainment.

Mainit ang mga mata ngayon kay Mary Joy Santiago dahil siya ang itinuturong third party sa hiwalayan ng celebrity couple na sina Mccoy De Leon at Elisse Joson.

Nito lamang huwebes ng gabi January 5, ibinahagi ni Mary Joy sa kanyang Facebook account ang ilang mga larawan na kuha mismo sa pagpirma niya ng kontrata sa Viva. May isa pang larawan na katabi niya ang big boss ng Viva na si Vic Del Rosario Jr.

Ngiting tagumpay si Mary Jane na tila hindi alintana ang pagkakadawit sa kanyang pangalan sa hiwalayan nina Mccoy at Elisse.

Samantala, hindi pa naman sigurado kung sa VivaMax ba makikita si Mary Joy Santiago. Ang VivaMax ay kilala sa paggawa ng mga daring at sexy movies. Subalit, kung pagbabasehan ang ilang mga Tiktok post ni Mary Joy, makikitang sana'y siyang ibilad ang kanyang seksing katawan.

Ayon naman sa ilang mga netizens, na tila sinadya ni Mary Joy na mapag-usapan tila binabalak umano nitong talbugan ang naunang mga VivaMax stars kagaya na lamang nina AJ Raval, Angeli Khang, Azi Acosta at marami pang iba.

Bagama't nilinaw ni Mccoy sa kanyang Instagram stories na walang third party involved sa hiwalayan nila ni Elisse. Kumbinsido pa rin ang ilan na may kinalaman pa rin si Mary Joy Santiago.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo