Michelle Madrigal Inamin Na Isa Ring Cheater!

Miyerkules, Enero 11, 2023

/ by Lovely


Isiniwalat ng dating aktres at tinaguriang “patron saint of dating apps” ng mga netizen na si Michelle Madrigal na naging “unfaithful”  siya sa mga nagdaang karelasyon, sa kaniyang vlog kasama ang kapatid na aktres din na si Ehra Madrigal.

Sa kaniyang vlog na ibinahagi noong December 30, 2022 vlog, naglaro sila ni Ehra ng “Never Have I Ever” game.

Isa sa mga natanong sa kaniya ay “Never have I ever been unfaithful.”

Isang mariin at malakas na “I have! I have!” ang isinagot ni Michelle.

Ayon kay Michelle, gumanti lamang daw siya kaya ginagawa niya ‘yon. Ito'y upang ipakita sa naturang ex-partner na kaya niya ring makipagsabayan sa panloloko nito.

Ilang beses umano siyang niloko ng kaniyang ex-jowa na hindi naman niya pinangalanan.

Sa kasalukuyan ay may bago nang special someone na afam si Michelle na nakilala niya sa dating app, matapos ang hiwalayan nila ng mister na si Troy Woolfolk.

Si Michelle Madrigal Gaspar ay isang Filipino-American na dating artista. Naging finalist siya ng ABS-CBN reality talent search, Star Circle Quest. 

Siya ay may isang nakababatang kapatid na babae na nagngangalang Micaella Madrigal at ang kanyang nakatatandang kapatid na babae, si Ehra Madrigal ay isa ring artista.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo