DJ Cha Cha Nagreact sa Pirmadong Statement ng Waiter! Police Report ang Labas!

Huwebes, Enero 19, 2023

/ by Lovely

Nagbigay ng reaction ang kilalang disc jockey at katandem ni Ted Failon na si DJ Chacha hinggil sa isyu ng pambabastos umano ng aktres, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga sa isang waiter, bagay na ikinadismaya ng mga netizen.

Nitong Miyerkules, January 18, nagbigay ng isang “written statement” si Allan Crisostomo na nagsasabing humingi na ng paumanhin sa kaniya si Alex Gonzaga. Makikita pa ang lagda o pirma niya rito na tila ba patunay na siya talaga ang sumulat ng statement.

Samantala, bagama't walang binanggit tila alam na ng lahat kung ano ang pinatutungkulan ni DJ Cha Cha sa kanyang tweet.

“Bakit may letter with signature? Police report ba yan? NAKAKALOKA,”  tweet ni DJ Cha Cha.

Agad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens. May mga nagsasabing lalo pang denigrade nila si Kuya waiter dahil sa pagpapasulat nila ng statement at talagang pinapirmahan.

“Lalong nakaka-degrade ata yung thought na may signed letter si Kuya Allan. For what? Nalito ako. Naagrabyado na ang inobligang magsulat hoping makakalinis ng dumi? Kung may kaya ba yung nagawan ng ganyan maobliga mo ba na magsulat pa ng letter???”

May mga nagkomento pang tila ang waiter pa ang may kasalanan dahil siya pa ang sumulat ng statement.

“Di ba sa school pag may nagawa kang kasalanan pagsusulatin ka hindi mo na gagawin ulit ‘yon. So dapat ganon din siya. So lumilitaw pa si kuya waiter yung may kasalanan. Close pa daw sila niyan ha and look at Alex walang kasinseridad ha.”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo