Detalye Ng Kalagayan Ngayon Ni Alyssa Valdez! Makabalik Na Kaya Sa Paglalaro Ng Volleyball?!

Martes, Enero 31, 2023

/ by Jerome

 


Detalye at katotohanan ngayon sa tunay na kalagayan ni  Alyssa Valdez matapos ma-injury ang kanyang paa noong nakaraang conference.

Nagbigay naman ng update ang pinay athlete at dating Pinoy Big Brother housemate na si Alyssa Valdez, tungkol sa kanyang knee injury sumasailalim daw siya ngayon sa therapy sessions, dahil sa napuruhan ang kanyang tuhod sa paglalaro niya ng Volleyball sa re-inforce conference.

Dahil dito sa kanyang injury ay pinayohan siya ng kanyang doctor na magpahinga ng ilang linggo.

" Long way to go but slow progress is still progress. I was so scared to take that first step, single leg squats and a lot more exercises. Grabe!! Just grateful to all the people who have been supporting and helping me - my doctors, pts & my @coolsmashers family. "

Ipinakita naman sa mga netizen ng national volleyball player ang iba't-ibang training at exercise na ginagawa niya during her recovery period.

Pinakita naman ni Alyssa sa kanyang mga fans at mga followers na regular parin siyang uma-attend sa training sessions ng kanyang team. 

"Doing my therapy during training time (& @rehub) dahil kahit pinapanuod ko lang sila it gives me hope to be back on court in no time!!


I hope you find that something that will inspire and motivate you - it could be the smallest thing or situation in front of you. "

Lubos na humanga naman ang mga netizens at ang ibang mga celebrity sa tapang at pagpupursigi ni Alyssa na gumaling at muling makapaglaro ng volleyball.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo