Paolo Contis, Nagi-Guilty na sa Ginawang Pag-Aband0na sa Kanyang mga Anak!

Martes, Enero 31, 2023

/ by Lovely


May napansin ang talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz sa panayam ni Boy Abunda sa Kapuso actor na si Paolo Contis.

Napansin umano ni Ogie Diaz na totoong expression ang ipinakita ni Paolo Contis sa panayam. Makikitang ang pagiging emosyunal umano ni Paolo ay dahil sa guilt na nararamdaman niya sa kanyang pagkakamali, lalong-lalo na sa hindi pagbibigay at pagkukulang niya sa kanyang dalawang anak kay Lian Paz.

"Kilala ko yan 9 years old palang. Alam ko kung kelan siya namemeke ng iyak. para mabasag, para magaralgal yung kanyang tinig, tapos lumulunok-lunok pa si paolo nun, talagang pinipigilan niya kaya lang hindi na niya makayanan kasi anak na ang pinag-uusapan," paliwanag ni Ogie Diaz.

Si Ogie Diaz ay isa sa mga maituturing na pinakamalapit na kaibigan ni Paolo Contis. Kaya naman tiyak na lubusan na niya itong kilala.

"Kasi Jegs, yung iyak ni Paolo may kasama nang guilt. Ang dami niya talagang pagkukulang sa kanyang mga anak," dagdag pa ng talent manager.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo