Luis Manzano Muling Pinatulan Ang Basher ng Kanyang Anak Na si Baby Peanut!

Martes, Enero 31, 2023

/ by Lovely


Hindi pa rin tumitigil ang ilang mga bashers ng mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano, ngayon ay sinasali pa sa pang-ookray nila ang kanilang bagong silang na sanggol na si Baby Peanut.

Matatandaang ilang mga netizens ang nagsasabing baka pangit daw ang anak ng mag-asawa kaya hindi nila ito ipinapakita madla. Subalit, ngayong ipinakita naman na ng mag-asawa ay may ilan pa ring mga netizens na hindi tumitigil sa pang-ookray sa kanilang si Baby Peanut.

Isinabay nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang face reveal ni Baby Peanut sa first month celebration nito. Makikita sa kanilang ibinahaging larawan ang super cute na anak nila, na biniyayaan ng magandang mukha at mapuputing balat.

Kaagad namang bumuhos ang mga mensahe ng paghanga mula sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta. Subalit sa gitna ng mga nagsisiyahang mga fans, tila may ilang mga bashers pa ring naligaw sa comment section ng post ni Luis.

May isang basher na sinabing marami pang arte ang mag-asawa sa pagpapakita ng kanilang anak sa publiko.

"Ni-reveal din dami pang paarte,” komento ng basher.

Hindi naman ito pinalampas ni Luis at sinabing ang basher ay parang nakalunok ng Mickey Mouse.

“Salamat rin po sa pic niyo, parang kayo nakalunok kay Mickey Mouse.”

Kilala na si Luis Manzano bilang namamatol sa mga bashers ng kanyang mga mahal sa buhay.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo