Celeste Cortesi Pasok Sa Top 3 Miss Universe 2022 Coronation Night Base Sa Pageant Sites

Sabado, Enero 14, 2023

/ by Sparkle

 


“The heat is on.”

Yan ang sigaw ng mga tao sa venue kung saan gaganapin ang pinakahihintay na event, ang 71st Miss Universe beauty pageant final night na magaganap bukas ng umaga, linggo, January 15.

Ilang oras na lang ang hihintayin at makokoronahan na ang bagong reyna ng Universe ngayong taon. Handa na ang lahat, hindi lang ang 84 candidates, pati na rin ang judges at hosts, at ang mga fans na excited na malaman kung sino ang papasok sa top semi-finals bukas at kung sino ang kokoronahan.

Ngayon ang final rehearsal ng mga kandidato bago ang coronation night bukas. Ayon kay Celeste Cortesi, na ating pambato, gagawin niya ang lahat para makuha ang ikalimang korona para sa Pilipinas.

Gayunpaman, i-enjoy na lang daw niya ang moment at ipaubaya na lang sa Diyos ang lahat. 


Marami ang nagsasabing papasok si Celeste sa top 16 at maaring umabot pa sa top 3, kung pagbabasehan iyon ng mga pinakabagong survey at hot pick ng iba't ibang maaasahang pageant sites.

Narito ang ilang kaganapan sa final rehearsal ilang oras bago ang coronation night ng Miss Universe 2022.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo